Nanawagan ni former senator Antonio Trillanes IV sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno na mas palawigin pa ang imbestigasyon dahil sa posibleng implikasyon sa pambansang seguridad kaugnay sa umano’y pagpasok ng pera mula sa China kay Bise Presidente Sara Duterte.
Ayon ito sa kanyang naging Facebook post ngayong araw Martes, October 6, 2026.
Dagdag pa ng dating senador, na higit pa ito sa usapin ng impeachment trial laban sa bise presidente ng bansa.
“This goes beyond impeachment trial” Dagdag pa ng dating senador.
Kabilang sa mga ahensya ng gobyerno na kanyang binaggit ay gaya ng Department of National Defense, National Security Council, National Intelligence Coordinating Agency, at National Bureau of Investigation.
“Nananawagan ako sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gaya ng DND, NSC, NICA, NBI, etc., na imbestigahan ang issue na ‘to dahil mabigat ang national security implications na ang isang incumbent vice president ay tumatanggap ng pera mula sa isang hostile foreign country,” – Ayon pa kay Trillanes.
Ang panawagan ni Trillanes ay kasunod ng kumpirmasyon sa impeachment trial ni Duterte na mahigit P319 milyon sa mga transaksyong kinasasangkutan ng CALE88 Foods Corp.—isang kumpanyang konektado sa kanyang asawang si Manases Carpio—ay nagmula sa mainland China at Hong Kong, ayon sa isang opisyal ng Anti-Money Laundering Council.
















