-- Advertisements --

Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi magpapadala ang kanilang hanay sa kahit anumang ingay sa pulitika na siyang nais tibagin ang kanilang samahan at integridad.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Maragareth Padilla, kaysa pakinggan ng kanilang tropa ang mga ingay na ito ay mas minamabuti na lamang nilang ituon ang kanilang pansin sa kanilang mandato na ingtan at protektahan ang pambansang seguridad ng mga Pilipino na siyang naaayon at saklaw ng saligang batas.

Aniya, hindi na kablang sa kanilang tungkulin ang makihalubilo pa sa mundo sa pamumulitika at nanindigan na ang kanilang trabaho ay nakatuon sa pagbabantay sa bansa, pagpapanatili ng kapayapaan at pagtataguyod ng pambansang interes.

Samantala, sa kabila ng mga panghihimasok at panghihimok ng iilan sa kanilang tropa na tumaliwas sa administrasyon ay nanindigan ang Sandatahang Lakas na mananatili silang propesyunal at tapat sa kanilang uniporme.