Hinamon ng Malakanyang si Caloocan Rep. Edgar Erice na galingan ang pag debate sa anti-political dynasty bill para makuha ang nais nitong bersiyon.
Kinuwestyon din ng Palasyo ang paninisi ni Erice kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa hindi nagustuhang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill.
Tugon ito ng Palasyo sa pahayag ni Erice na nambobola lang ang Pangulo sa pagsasabing prayoridad ang Anti-Political Dynasty Bill.
Ayon kay Castro, trabaho ng mga mambabatas na gumawa ng batas kaya ito ang dapat atupagin ng kongresista.
Dagdag pa ni Castro, hindi lang naman si Erice ang magdedesisyon sa ipapasang Anti-Political Dynasty Bill ng Kongreso.
Kung maalala, lumusot na kahapon sa House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang substitute bill kung saan ginamit na working draft ang panukala nina Speaker Faustino “Bojie” Dy III at Majority Leader Sandro Marcos.
Sa kabilang dako, pinuri ni Speaker Dy ang pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa pinagsama-samang panukalang Anti-Political Dynasty na nakabatay sa second-degree prohibition.
Aniya, isa itong mahalagang hakbang upang maisakatuparan ang matagal nang
Sa ilalim ng inaprubahang bersyon, ipinagbabawal ang sabayang paghawak ng mga halal na posisyon ng mag-asawa at mga kamag-anak hanggang ikalawang antas ng consanguinity o affinity sa parehong antas ng pamahalaan nasyonal man o lokal. Saklaw nito ang mga posisyong tulad ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, at Senador, gayundin ang mga posisyon sa iisang lalawigan, lungsod, munisipalidad, o barangay.
Nakasaad din sa panukala na kailangang magsumite ng sinumpaang salaysay ang mga kandidato sa Comelec na nagpapatunay na hindi sila lilikha ng ipinagbabawal na political dynasty.
Kapag naisabatas, ipatutupad ang pagbabawal simula sa susunod na halalan at sa mga darating pang eleksyon.










