-- Advertisements --

Nabuo ang isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw.

Batay sa ulat ng state weather bureau, namuo ito sa silangan ng Mindanao, bahagi ng Pacific Ocean.

Huli itong namataan sa layong 1,695 kilometro sa silangan ng Southern Mindanao at inaasahang patuloy na lalakas.

Nananatili ang posibilidad na maging isang tropical depression ito sa loob ng 24 oras.

Wala pang kasiguruhan kung tuluyan itong papasok sa PAR at makakaapekto sa kalupaan ng bansa.