Maaaring mapili ang bagong Supreme Leader ng Iran sa loob ng susunod na 24 oras, ayon kay Ayatollah Mozaffari, miyembro ng Assembly of Experts ng bansa, ayon sa state-affiliated Fars News Agency.
Ani Mozaffari, ang 88 senior clerics ng Assembly of Experts ay mga “impatiently waiting” para sa sesyon kung saan pipiliin na ang bagong lider ng Iran.
“We have firm hope that, with divine success, this work will take place within the next 24 hours,” dagdag niya.
Sa ngayon ay ‘wala pang nagaganap na pormal na pagpili sa susunod na lider ng bansa at nakiusap sa publiko na huwag mag-speculate o magpakalat ng maling impormasyon.
Samantala, sinabi ni US President Donald Trump, “will be hit very hard” ang mararanasan ng Iran ngayong weekend, na may bagong lugar umano sa bansa na mararanasan ang “complete destruction and certain death.”
Hindi naman nagpatinag ang Tehran kung saan ipinahayag nito na tutugon sila sa Amerika kung sakaling lumala pa ang tensyon partikular sa mga bagong US assets.
Ang bagong escalation ay naganap makalipas ang paghingi ng paumanhin ni Iran President Masoud Pezeshkian para sa mga kalapit na Gulf states na nakakaranas ng mga pag-atake bagama’t nangako pa rin ito na tutugon sa mga lugar kung saan nagmumula ang US attacks.
Kaugnay nito iniulat ni Iranian UN Ambassador Amir Saeid Iravani na umabot na umano sa kabuuang 1,332 sibilyan ang nasawi sa patuloy na pambobomba ng Israel at Estados Unidos sa Iran habang libo-libo ang nasugatan.
















