Pinangunahan ng grupong Alpha Phi Omega-National Philippines Incorporated- International Service Fraternity and Sorority sa Pangasinan ang community service.
Kasabay ang pagdiriwang nila ng ika 76th taong pambansang anniversaryo ng APO sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamimigay ng libreng gatas (Reliv NOW milk), libreng bunot ng ngipin, libreng linis ng ngipin, libreng gupit, libreng mga gamot (over the counter medicines ) libreng mga vitamins at feeding service ( pagpapa-kain sa mga nakilahok) sa Barangay Poblacion Zone 3, Villasis, Pangasinan kahapon March 1, 2026.
Ang nasabing progama ay tinawag na “Bantay Kalusugan para sa mga Mamamayan” ito ay partikular na pinamunoan ng APO-Alpha Pi Chapter at Alumni Association na pinamunoan ng kanilang Alumni President na si Bong Domantay na isang membro ng Philippine Coast Guard.
Naging matagumpay ang naganap na Serbisyo Publiko dahil sila din ay nakapagbigay ng mga libreng gatas na mula sa Reliv Kalogris Foundation Philippines sa derektang pakikipag- ugnayan sa foundation ni Marlon De Guzman na isang OFW sa Hong Kong para maka kuha ng libreng Reliv NOW Milk na isa ding alumnus ng Alpha Phi Omega-Alpha Pi Chapter. Ang Alpha Phi Omega ay itinayo sa Pilipinas noong March 2, 1950 at nanatiling matatag sa serbisyo publiko.
















