Nagpahayag ng kahandaan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) para magbigay ng suporta sa Philippine National Police (PNP) para sa mga ikakasang mga pagtitipon simula sa Linggo, Nobyembre 16.
Sa isang panayam, inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo S. Brawner Jr. na wala nang mga retired generals ang lumapit sa kanilang himpilan bago pa man ang mga naturang pagtitipon.
Kasunod nito, senegundahan rin ng heneral ang mga nauna nang pahayag ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro na ang mga usapin naman hinggil sa umano’y destabilisasyon ay pawang ga ingay lamang sa pulitika na na siyang labas na aniya sa mandato ng Sandatahang Lakas.
Sa ngayon ay nakatutok ang Sandatahang Lakas sa pagbibigay ng mga kakailanganing suporta ng Pambansang Pulisya upang masiguro na patuloy na maipapatupad ang peace and order sa kabila man ng mga kilusan na ito.
















