-- Advertisements --

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ang mga nakatakdang pagaalis ng mga mukha at pangalan ng mga politiko sa mga government-funded projects ay umiikot lamang sa mga PNP properties at premises kabilang na ang mga police stations, mga kampo, tanggapan at iba pang mga pasilidad sa buong bansa na siyang sakop ng kanilang organissyon.

Sa isang pahayag, inihayag ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na ang direktibang ito ay batay na rin sa naging paguutos at panukalang polisiya ng Department of Interior and Local Government (DILG) na Memorandum Circular no. 2026-006.

Sa ilalim nito, inaatasan ang lahat ng yunit ng Pambansang Pulisya na alisin ang mga signages, tarpaulins, markers, posters at ibang mga materyales na mayroong mga pangalan, imahe o mga slogan na siyang kumakatawan sa isang politiko o isang opisyal.

Ayon kay Nartatez, ito ay ang kanilang paraan upang maipakita ang kanilang pakikiisa sa pagpapanatili ng political neutrality, propesyonalismo at pagpapattag sa prinsipyo na ang pagbibigay ng serbisyong publiko ay hindi dapat may kinikilingan.

Samantala, ang pagbabaklas naman ay nakatakda nang umpisahan at ipapatupad sa buong bansa upang masiguro na mapapanatili ng pulisya ang integridad at ang pagiging non-partisan na organisasyon ng PNP.