-- Advertisements --
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na mayroong silang hakbang para mapigil ang maaaring pananamantala ng mga energy distributor kapag maranasan na sa bansa ang tinatawag na “Super El Niño”.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, na posibleng magkaroon ng pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa taas rin ng demand nito.
Makikipagpulong ito sa Energy Regulatory Commission para matiyak na walang pang-aabuso mula sa mga power distributor sa bansa.
Kasabay din nito na tuloy-tuloy ang ginagawa nilang panawagan sa publiko para sa pagtitipid ng kuryente.















