-- Advertisements --
Sinuspinde ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa Quezon City sa darating na Hulyo 27, 2026 upang hikayatin ang publiko na makinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos at maiwasan ang matinding trapiko sa lungsod.
Kasabay nito, ipatutupad ang liquor ban mula alas-12:01 a.m. hanggang alas-6:00 p.m. upang matiyak ang seguridad at kapayapaan sa paligid ng Batasang Pambansa.
Inaasahan ang pagdaraos ng iba’t ibang kilos-protesta sa Quezon City, kabilang ang mga pro at anti-Marcos rally.
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na magpapatupad sila ng maximum tolerance sa mga demonstrador.
Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng mas mahigpit na seguridad para sa taunang SONA ng Pangulo.
















