-- Advertisements --

Nakatakdang umalis patungong Malaysia ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 21 para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ang napaagang pag-alis ay para mabigyan ng daan si coach Tim Cone at ang national team ng hanggang limang araw para makabisado ang kapaligrian ng Seremban City ganun din ang court sa Karisma Arena.

Inaasahan din na magsasagawa si Cone ng mini-camp sa Malaysia para mapalakas ang standing ng Gilas at makapasok sila sa World Cup sa Doha, Qatar sa susunod na taon.

Sa Nobyembre 22 naman ay susunod sa Malaysia ang ilang overseas players gaya nina Dwight Ramos, AJ Edu, Kevin Quiambao at posiblidad na makapaglaro din si Kai Sotto.

Inaasahan din na darating at makakapaglaro ang bagong -naturalized player ng bansa na si Bennie Boatwright .

Kasalukuyang mayroong apat na panalo at apat na talo ang Gilas at solo sila sa ikalimang puwesto sa Group E kung saan nanguna ang Australia, na sinundan ng New Zealand, Iran at Jordan.

Tiyak ng nakapasok ang Australia sa World Cup mula sa grupo at ang dalawang susunod na best teams ay otomatikong nakaabanse na.

Unang makakaharap ng Gilas ang Syria sa Nobyembre 27 na susundan ng rematchs sa Iran sa Nobyembre 29.