-- Advertisements --
Ibinahagi ni Basketball Hall of Famer Chris Bosh kung paano ito muntikan ng masawi.
Sa kaniyang social media account ay sinabi niyang, nawalan ito ng malay at pagkagising ay naliligo na ito sa dugo.
Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye kung saan kasalukuyan pa itong nagpapagaling sa pagamutan.
Dagdag pa ng 41-anyos na si Bosh, naghahanda na ito para sa date nila ng kaniyang asawa ng bigla na lamang itong nawalan ng malay.
Ang dating Miami Heat Star ay nagretiro noong 2019 kung saan sa buwan ng Marso ng taong din yun ay niretiro na ang kaniyang jersey number 1.
Pagdating ng taong 2021 ay kabilang siya na na-induct sa Hall of Fame kasama sina Paul Pierce, Ben Wallace at Chris Webber.
















