-- Advertisements --

Inabot ng overtime ang preseason match sa pagitan ng Milwaukee Bucks at ng Indiana Pacers.

Naging gitgitan ang naturang laban, kahit bahagi lamang ito ng preseason at kinailangang ibabad ang mga player sa loob ng hardcourt.

Hawak ng Pacers ang 15-point lead sa pagtatapos ng 1st half ngunit hinabot ito ng Bucks sa ikatlong quarter kung saan naibaba nila ang kalamangan sa tatlong puntos.

Hindi pa natapos ang comeback ng Bucks at sa huling quarter, tuluyang itinabla ng koponan ang score sa 117, upang ipasok ang laban sa overtime.

Pagpasok ng OT, naging gitgitan pa rin ang laban hanggang sa huling sandalo. Isang minuto bago matapos ang match, hawak na ng Pacers ang 1-point lead, 125-124.

Umangat ito sa 126-127, ilang segundo bago matapos ang laban, pabor sa Pacers.

Gayonpaman, tuluyang nakawala mula sa Pacers defense ang bagitong Milwaukee shooter na si Kel’el Ware at ipinasok ang two-point cutting dunk mula sa assist ni Kasparas Jakučionis. Ang naunang shot ang naging susi para ipanalo ng Bucks ang naturang match, 128-127.

Nanguna si Tyler Herro sa panalo ng Bucks sa kaniyang 25 points, tatlong rebounds, at isang steal. Maliban sa game-winning shot ni Ware, nag-ambag din siya ng additional 11 points, dalawang steal, at isang block.

Sa panig ng Pacers, nasayang ang 24 points ni 1-time NBA champion Pascal Siakam, kasama ang 17 points ng nagbabalik na All-Star guard Tyrese Haliburton.