Abot-kamay na ni San Miguel Beermen star June Mar Fajardo ang 10,000 career points.
Mayroon lamang limang puntos ang kailangan niya para makamit ang nasabing milestones.
Sa laban kasi ng Beermen noong Miyerkules may nagtala ang nine-time PBA Most Valuable Player ng 25 points .
Sakaling makamit nito ang nasabing puntos ay magiging siya ang pang-18 na local at 19th overall kabilang si import Norman Black.
Inaasahan na makakamit ni Fajardo ang nasabing 10,000 points milestone sa paghaharap nila ng NLEX sa huling laro ng eliminations sa Oktubre 21.
Siya rin ang ikalawang active player kasunod ni TNT guard Jayson Castro na makaabot ng nasabing puntos.
Naabot ni Castro ang 10,000 points sa laban nila ng NLEx noong Mayo 13, 2026 sa Ninoy Aquino Stadium.
















