Matagumpay na inilunsad ng Philippine Navy sa Ulsan, South Korea noong Oktubre 13, 2026, ang kaniyang ikatlong Offshore Patrol Vessel na BRP Rajah Humabon.
Ang bagong barkong pandigma ay binuo ng kilalang South Korean shipbuilder na HD Hyundai Heavy Industries bilang bahagi ng modernization program ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Inaasahang magpapalakas ang BRP Rajah Humabon sa kakayahan ng bansa pagdating sa maritime surveillance, pambansang seguridad, at pagpapanatili ng teritoryal na depensa.
Pinaunahan ni AFP Vice Chief of Staff Lieutenant General Rommel P. Roldan at Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Q. Ezpeleta ang opisyal na delegasyon sa nasabing seremonya.
Bago ang paglulunsad, nakipagpulong din si Ezpeleta sa pambansang pamunuan ng Republic of Korea Navy upang lalo pang patatagin ang kooperasyong pandagat ng dalawang bansa.














