-- Advertisements --
Inakusahan ng Swedish military na pag-aari ng Russia ang drone na kanilang na-jammed malapit sa aricraft carrier ng France.
Ayon sa French military na ang drone ay kanilang nakita sa may seven nautical miles mula sa Charles de Gaulle carrier na nakadaong sa Malmo.
Kabahagi ang nasabing aircraft carrier sa gagawing military exercise ng NATO sa rehiyon.
Hindi na binanggit kung ano nangyari sa drone kung saan nagpatuloy na lamang lumayag ang nasabing air craft carrier sa Baltic Sea.
Itinanggi naman ng Russia ang nasabing alegasyon na ito ng Sweden.
















