-- Advertisements --

Muling nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagppatuloy nila ang kanilang mga nasimulang pagpapatrolya sa West Philippine Sea sa kabila yan ng mga kritisismo mula sa panig ng China.

Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga pahayag na ito ng Chinese Communist Party ang mga nagiging dahilan ng “instability” sa WPS na siya naman aniyang bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Aniya, ang kanilang mga isinasagawang pagsasanay sa Bajo de Masinloc na siyang bahagi ng WPS ay aprubado, duly coordinated, scheduled at alinsunod sa mga napagkasunduan at mga umiiral na batas.

Dagdag pa ni Trinidad, ang mga pattern na ito ng mga unlawful actions mula sa China ay isinagawa ng mayroong mga naging paglabag sa iba pang estado sa Southeast Asia at maging sa international law.

Kabilang na sa mga aksyon na ito ng China ang kanilang iligal na pagpapatrolya sa WPS at pagsasagawa ng umano’y pagsasanay sa Bajo de Masinloc ay pawang mga walang sapat na basehan at sumusuportang mga batas.

Samantala, kaamakailan lamang ay nagsagawa ng kanilang naval at air patrols ang China sa naturang territorial waters simula yan nitong nakaraang Lunes hanggang Biyernes.

Inihayag naman ni Trinidad na ang mga aktibidad na ito ay walang koordinasyon at hindi suportado ng umiiral na international laws.