-- Advertisements --

Lalo pang mapalalakas ang kakayahan ng pambansang depensa matapos madagdagan ng P10 bilyon ang panukalang pondo para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program para sa taong 2027.

Ayon kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim de Leon, ang karagdagang alokasyon ay gagamitin para sa pagbili ng mga makabagong kagamitan at pagpapahusay sa mga pasilidad ng militar, na isa sa mga pangunahing prayoridad ng kasalukuyang administrasyon.

Dahil sa dagdag na ito, aabot na sa kabuuang P50 bilyon ang nakalaang pondo para sa modernisasyon ng AFP sa susunod na taon.

Bukod dito, inihayag din ng DBM na may nakatagong P73.67 bilyon para sa subsistence allowance ng nasa 583,130 military and uniformed personnel (MUP) sa 2027 budget.

Binigyang-diin ng ahensya na ang paglalaan ng malaking pondo sa sektor ng depensa ay pagpapakita ng buong suporta ng pamahalaan sa mga sundalo at uniformed personnel na nasa frontline ng pagpapanatili ng pambansang seguridad, kapayapaan, at kaayusan sa bansa.