-- Advertisements --

Mariing itinanggi ni National Security Adviser Eduardo Año ang alegasyong tumanggap siya ng isang paper bag matapos ang umano’y pulong sa isang townhouse.

Sa isang pahayag, sinabi ni Año na ang paratang ay “gawa-gawa at walang katotohanan.”

Iginiit niyang hindi siya dumalo sa anumang pulong kasama sina dating Speaker Martin Romualdez, dating Rep. Zaldy Co, at Rep. Leila de Lima, sa townhouse man o sa ibang lugar, at hindi rin umano siya tumanggap ng anumang paper bag o package mula sa kanila.

Binalaan din ni Año ang publiko laban sa pagkalat ng maling impormasyon, at sinabing magsasagawa ang kanyang kampo ng sariling imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso.

Aniya, hindi niya palalagpasin ang anumang tangkang sirain ang kanyang reputasyon.

Samantala, nilinaw ng Philippine Navy na apat sa 18 indibidwal na iniharap bilang dating Marines ay hindi kailanman naging miyembro ng Navy o ng Philippine Marine Corps. Dagdag pa nito, karamihan sa mga nabanggit ay dishonorably discharged, habang ang iba ay nagretiro na may maayos na rekord.