-- Advertisements --

Ipinagpaliban ng Quezon City Regional Trial Court Branch 98 ang arraignment ni Vice President Sara Duterte sa tatlong bilang ng grave threats matapos maghain ng motion for inhibition ang kaniyang kampo.

Dumating si Duterte sa QC Hall of Justice dakong alas-8:30 ng umaga, kasama ang kaniyang kapatid na si Rep. Paolo Cuterte, bago nagtungo sa korte.

Nauna nang nag-post ng piyansa ang bise presidente matapos maglabas ng arrest warrant ang korte noong Setyembre 4.

Nag-ugat ang mga kaso sa mga pahayag ni Duterte sa isang online press conference noong 2024, kung saan sinabi niyang may nakausap na siyang taong papatay kina President Ferdinand “Bongbong” Marcos jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at noo’y house speaker Martin Romualdez sakaling may mangyari sa kaniya.

Itinanggi ni Duterte na nagbanta siya sa mga ito.