Nasamsam ng Bureau of Customs (BOC), katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG), ang kabuuang 24.8 kilo ng hinihinalang marijuana kush na nagkakahalaga ng P24.79 milyon sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa NAIA Terminal 3.
Sa operasyon noong Oktubre 29, 2026, naaresto ang isang Amerikanong pasaherong dumating mula Bangkok, Thailand, matapos makumpiska sa kanyang dalawang bagahe ang 15 pakete ng hinihinalang marijuana kush na tumitimbang ng 17,464 gramo at nagkakahalaga ng P17.46 milyon. Nakatago ang mga ito sa loob ng mga pakete ng pagkain.
Nadiskubre ang kontrabando matapos makitaan ng kahina-hinalang imahe ang mga bagahe sa X-ray screening at magpositibo sa K9 inspection.
Tatlong araw bago nito, nasabat din ng mga awtoridad ang 7,335 gramo ng hinihinalang marijuana kush na nagkakahalaga ng P7.33 milyon mula sa mga abandonadong bagahe na nagmula rin sa Bangkok.















