-- Advertisements --
Tiniyak ng pamahalaan na tuloy-tuloy ang mga programa kontra-malnutrisyon sa bansa sa kabila ng banta ng El Niño sa suplay ng pagkain.
Ayon sa Council for the Welfare of Children (CWC), kailangang agarang matugunan ang isyung ito upang hindi maapektuhan ang pangmatagalang kalusugan at paglaki ng mga bata.
Bilang bahagi ng kampanya, tututukan ng pamahalaan ang pagbibigay ng sapat at masustansiyang pagkain sa mga kabataan.
Dahil dito, mas palalawakin at dadagdagan ng pamahalaan ang mga Child Development Center para sa Supplementary Feeding Program.
Ipinatutupad din ng DSWD ang First 1,000 Days Cash Grant sa ilalim ng 4Ps upang matulungan sa nutrisyon at check-up ang mga buntis at batang edad zero hanggang dalawang taong gulang.















