-- Advertisements --

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang aktor na si Juan Karlos Cuenca para sa kanyang girlfriend na si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, sa pagdiriwang ng kaarawan nito.

Sa isang sweet birthday message, ipinahayag ni Juan Karlos ang pagmamahal at paghanga kay Rabiya. Hiling niya na mapuno ng masasayang pagkakataon, kapayapaan, at maraming dahilan para ngumiti ang panibagong taon sa buhay ng nobya.

“I love you, and I’ll always be rooting for you,” saad ni Cuenca