-- Advertisements --
Pumalo na sa 188 porsiyento ang kapasidad ng Emergency Room ng Ospital ng Maynila Medical Center nitong Linggo ng gabi, Nobyembre 15, dahil sa dami ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang lunas.
Dahil dito, pinayuhan ang publiko na magtungo sa iba pang kalapit na ospital na may kakayahang tumanggap ng karagdagang pasyente upang maiwasan ang mas mahabang paghihintay.
Nakaantabay naman ang mga ambulansya ng Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department para sa posibleng paglilipat ng mga pasyente.












