-- Advertisements --

Humihingi ng tulong ang Missionary Sister of Mary sa publiko upang mabawi ang ilang sagradong gamit na umano’y ninakaw noong Nobyembre 12, 2026.

Kabilang sa mga nawawalang gamit ang tabernakulo, kalis, monstrance, at ciborium, ikinababahala rin ng pamunuan ang paglapastangan sa mga sagradong ostiya o Banal na Katawan ni Kristo.

Sa inilabas na pahayag, nanawagan ang kapilya sa sinumang maaaring nakabili ng mga naturang kagamitan, kahit hindi alam ang pinagmulan ng mga ito, na kusang ibalik ang mga ito.

Binigyang-diin ng pamunuan na hindi ordinaryong bagay ang mga nawawalang kagamitan dahil sa mahalagang espirituwal at panrelihiyong kahulugan ng mga ito sa pananampalatayang Katoliko.

Hinimok din ang publiko na makipag-ugnayan sa kapilya kung may anumang impormasyong makatutulong upang mabawi ang mga sagradong gamit.