-- Advertisements --

Pinasinayan na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang kauna-unahan nitong pampublikong Cardiac Catheterization Laboratory o Cath Lab sa Ospital ng Maynila.

Ayon sa kalaukuyang alkalde ng lungsod na si Mayor Francisco ‘Isko’ Moreno Domagoso, bahagi ito sa nais nilang mapahaba pa ang buhay sa nasasakupan.

Kung saan ang naturang pasilidad ay nakatuon para magbigay daan sa pagsasagawa ng mga ‘medical procedures’ partikular ng sa puso.

Pagmamalaki naman ng alkalde na ang paggamit sa Cath Lab ng mga pasyente ay siyang ‘free of charge’.

Ang Angiograms sa pribadong ospital nagkakahalaga ng nasa higit 50-libong piso habang ang angioplasty nama’y minsan aabot ng higit P300,000 naman.

Dagdag pa ni Mayor Isko na ang naturang laboratoryo ay parte sa mas malawak nilang plano na panibaguhin ang lumang ospital para maging Academic Building for Health Sciences ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila.

Sakaling maisakatuparan, inaasahan mula 300-500 graduates ay aakyat ito sa malilikhang nasa 5,000 medical professionals sa lungsod.