-- Advertisements --

Nagdulot ng kanselasyon at diversion ng ilang international flights ang tumitinding tensyon sa Middle East.

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), 23 international flights ang nakansela habang tatlo ang na-divert dahil sa safety concerns at airspace restrictions simula nang maglunsad ng pag-atake ang US at Israel sa Iran noong Sabado, Pebrero 28.

Kabilang sa nagkansela ng biyahe ang Cebu Pacific (2), Philippine Airlines (8), Qatar Airways (2), Gulf Air (1), Etihad Airways (4), at Emirates (6).

Dalawang flight naman ng Philippine Airlines at isa ng Qatar Airways ang na-divert.

Ayon kay CAAP Director General Retired Lt. Gen. Raul Del Rosario, nagsasagawa ang ahensya ng maagap na hakbang alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Transportation Secretary Giovanni Lopez upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero at crew.

Pinapayuhan din ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa rebooking, refund, at updated flight information.