Ikinukunsidera ngayon ng pamahalaan na ibaba ang mga bayarin sa nga paliparan sa buong bansa para makatulong na mapanatiling matatag ang singil sa pamasahe sa eroplano sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa panahon ng Holy Week.
Ayon sa Department of Transportation, bahagi ito ng mga hakbang na iniutos ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr. upang mabawasan ang matinding epekto ng tumataas na presyo ng gasolina.
Ayon kay DOTr Acting Secretary Giovanni Lopez na isinasaalang-alang nila ang pagbabawas ng ilang bayarin sa paliparan dahil sa inaaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa Holy Week.
Kabilang na dyan ang landing at take off fee na ipinatutupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Hindi pa masabi ng Kalihim kung magkano ang maaring ibaba sa mga bayarin pero ito aniya’y pinag-aaralan na ng DOTR
Ang anumang mabubuong proposal ay ipiprisinta aniya sa board para paaprubahan at posibleng makapaglabas sila ng desisyon para sa posibleng adjustment sa pamasahe sa susunod na linggo.
Nauna nang ini-anunsyo ni Pangulong Marcos ang ilang mga hakbang ng gobyerno para bawasan ang matinding epekto ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo na dulot ng nangyayaring krisis sa Middle East.
















