Nanumpa ang bagong pangulo ng Paraguay na si Pedro Alliana noong Biyerenes, matapos isailalim ang impeached predecessor sa house arrest ang dating pangulo na si Santiago Peña. Kaugnay ito sa pagbagsak ng digital bank ng bansa.
Ayon pa sa mga prosecutor na patuloy pa nilang inaalam kung anong mga kaso ang isasampa laban kay Peña, ngunit posibleng kabilang dito ang paggamit ng impluwensya para makakuha ng pabor o influence peddling.
Napatalsik si Peña sa puwesto isang oras matapos ang nagkakaisang boto o senate unanimous votes ng mga senador na pabor sa impeachment. Kinuwestiyon ng mga mambabatas ang umano’y pagkakasangkot ng dating pangulo sa pagbagsak ng digital bank na Ueno, na nagbibigay ng serbisyo sa halos kalahati ng populasyon ng Paraguay.
Bagama’t nag-alok si Peña na magbitiw sa puwesto nitong Huwebes, pinili ng Senado na ipagpatuloy ang proseso ng impeachment sa halip na tanggapin ang kanyang pagbibitiw. Dahil dito, agad na nanumpa si Alliana bilang kapalit niya.
Matapos ang pagkakaaresto kay Peña, nagtipon ang mga raliyista sa labas ng kanyang tahanan. Agad namang nagtalaga ng karagdagang seguridad ang mga pulis sa lugar upang mapanatili ang kaayusan.














