-- Advertisements --

Mariing inalmahan ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang pagkakaroon ni dating House Speaker Martin Romualdez ng ‘personal assistant’ sa loob ng kulungan. 

Aniya’y ipinagbabawal ang ganitong uri ng ‘set up’ sa bilangguan at babala’y hindi raw ito pupwede sa kanya sakali mang totoo. 

Titingnan o ibeberipika muna ng Ombudsman ang naturang impormasyon nagsasabing meron ‘personal assistant’ sa kanyang detensyon si dating House Speaker Romualdez. 

Magugunitang una nang inamin ni New Quezon City Jail Male Dormitory Warden Supt. Maria Lourdes Pacion sa Sandiganbayan ang patungkol sa umano’y personal assistant. 

Sakaling mapatunayan ang pananagutan ng mga opisyal na sangkot, giit ni Ombudsman Remulla na hindi siya magdadalawang isip na tanggalin ang mga ito mula sa serbisyo. 

Aminado naman si Ombudsman Remulla na ngayon lamang niya narinig ang patungkol sa pagkakaroon ng ‘personal assistant’ sa loob ng kulungan. 

Para personal na masuri kung may iregularidad sa kulungan, inanunsyo ni Ombudsman Remulla ang planong pagsasagawa ng ‘surprise visit’ sa mga pasilidad nito. 

Pokus aniya sa gagawing pag-inspeksyon na makita kung meron ‘special treatment’ sa loob ng kulungan, at panagutin ang sangkot at nakipagsabwatan mga opisyal.