Nagbabala si US President Donald Trump na posibleng lumawig pa ng higit sa isang buwan ang mga pag-atake sa Iran.
Ito ay sa gitna ng paglawak pa ng digmaan kasabay ng pambobomba ng Israel sa Lebanon kung nasaan ang Hezbollah na kaalyado ng Iran at sa oil facilities ng Iran sa Gulf countries. Bilang ganti, naglunsad din ng mga serye ng drone at missile strikes ang Iran sa US military bases sa mga bansa sa Middle East.
Ayon kay Trump, mula simula tinataya nilang magtatagal ng apat hanggang limang linggo ang inilunsad na “operation epic fury” sa Iran
subalit ipinahiwatig ni Trump na posibleng mas tumagal pa ito.
Sa unang pagkakataon, inilatag din ni Trump ang kanilang layunin sa pag-atake sa Iran.
Kaugnay nito, hinimok ng US State Department ang kanilang mamamayan na nasa Middle East na agad lumikas kabilang na ang mga nasa Egypt at Gulf States sa pamamagitan ng commercial transportation.
Ang mga bansang kabilang sa inilabas na warning ng US ay sa Bahrain, Egypt, Iran, Iraq, Israel at Palestinian territories, Jordan, Kuwait, Lebanon, Oman, Qatar, Saudi Arabia, Syria, United Arab Emirates at Yemen.
















