-- Advertisements --

Umabot sa mahigit anim na oras bago tuluyang maapula ang naganap na sunog sa Cabildo Street corner Anda Street, Barangay 655, Manila.

Ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Department , nagsimula ang sunog dakong ala-5:01 ng hapon nitong Pebrero 25 kung saan umabot pa sa ika-apat na alarma.

Tuluyan itong naapula ng dakong 11:30 ng gabi kung saan aabot sa 535 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunog.

Inilipat ang mga apektadong pamilya sa Delpan Evacuation Complex habang inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing sunog.