-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng isang public health advocate ang mga bibisita sa sementeryo ngayong may banta ng matinding init o El Niño.
Payo ni Dr. Philip Ian Padilla na iwasang manatili at matagal naka-expose o nakabilad sa direktang init ng sikat ng araw.
Kung maari aniya ay sumilong sa tent, magdala’t gumamit ng payong o di’ kaya’y pumunta sa mga simbahan para hindi ma-expose maigi sa sikat ng araw.
Dagdag pa niya’y mainam na mag-hydrate o uminom ng maraming tubig at magsuot ng mga damit na hindi mabigat o masikip sa katawan.
Paalala pa ng naturang doktor na bantayan lalo na ang mga senior citizens, mga bata, at iba pang may ‘comorbidities’.
Ang mga nabanggit kasi aniya’y hindi dapat ma-expose ng matagal sa direktang init mula sa sikat ng araw.















