-- Advertisements --

Inanunsyo ng Tindig Pilipinas na iuurong nito ang ikalawang impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte noong Pebrero 2, 2026 sa House of Representatives.

Ayon sa grupo, ginawa ang desisyon bago ang pagsisimula ng deliberasyon ng House Committee on Justice ngayong Lunes, Marso 2, upang buuin at palakasin ang suporta sa ikatlong impeachment complaint na inihain ng religious groups, pari, at abogado.

Sa pahayag ng organisasyon, ibibigay nila ang buong suporta sa ikatlong reklamo na naglalaman ng kaparehong mabibigat na alegasyon at matibay na ebidensya tulad ng kanilang inihain, upang mapatatag ang kanilang posisyon at mapadali ang pag-usad ng kaso patungo sa Senado bilang impeachment court.