Pinalalakas ng Pilipinas ang pakikipagtulungan sa mga bansa sa Southeast Asia upang mapabilis ang pag-unlad ng electric vehicle (EV) industry sa rehiyon.
Ito ang layunin ng ASEAN EV Conference 2026 na pinangunahan ng Electric Vehicle Association of the Philippines (EVAP).
Dumalo sa dalawang araw na conference ang mga opisyal ng pamahalaan, industry leaders at mga kinatawan ng electric vehicle associations mula sa iba’t ibang bansa sa ASEAN.
Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang pagpapalawak ng charging stations, pagkakaroon ng magkakatugmang standards sa paggamit ng EVs, technology transfer at pagpapalakas ng supply chains sa rehiyon.
Binigyang-diin din ang pangangailangan ng accessible financing, pagpapatuloy ng government incentives at pagsasanay ng mga skilled workers para sa maintenance at repair ng mga electric vehicle.
Para naman sa public transport sector, mahalagang matiyak na kakayanin ng mga operator at driver ang gastusin sa paglipat sa electric vehicles.
Tatalakayin din sa naturang conference ang mga isyu patungkol sa transport modernization, charging infrastructure at iba pang hakbang para mapalawak ang paggamit ng electric vehicles sa Southeast Asia.














