-- Advertisements --
Iprinesenta ngayong araw ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso ang suspek sa naganap na insidente ng pananaksak noong linggo.
Ito’y kasabay ng isinagawang malawakang ‘anti-corruption rally’ sa iba’t ibang bahagi ng lungsod kaugnay sa maanomalyang flood control projects.
Ayon kay Mayor Isko Domogaso, naganap ang pananaksak pasado alas-otso ng gabi sa bahagi ng Claro M. Recto sa lokasyon ng isang motel.
Buhat nito’y kanyang sinabi na ang insidenteng pananaksak ay nagdulot para ikamatay ng isang 15-taon gulang.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang kusang loob na sumukong suspek sa naganap na pagpatay.















