-- Advertisements --

Ilang paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang nagsuspinde ng kanilang klase nitong Miyerkules, Pebrero 25, bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Naglabas ng anunsyo noong Lunes ang mga paaralang matatagpuan sa kahabaan ng EDSA Ortigas Avenue (EDSOR) kung saan inanunsyo ang suspensyon ng klase at hinikayat ang mga estudyante, guro, at kawani na makiisa sa isang pilgrimage sa EDSA Shrine.

Kabilang sa tinaguriang EDSOR schools ang Immaculate Conception Academy sa Greenhills, San Juan City; La Salle Greenhills sa Mandaluyong City; Saint Pedro Poveda College sa Quezon City; at Xavier School sa Greenhills, San Juan.

Nauna nang idineklara ng Malacañang ang Pebrero 25 bilang isang working holiday, taliwas sa mga nakaraang administrasyon na ginawang special non-working holiday ang pagdiriwang.

Dahil dito, may ilang paaralan ang nagpatupad ng alternatibong setup tulad ng asynchronous classes, habang ang iba naman ay tuluyang nagsuspinde ng klase at trabaho sa opisina.

Narito ang ilan sa mga paaralan at lokal na pamahalaan na nagdeklara ng suspensyon ng klase batay sa kanilang mga opisyal na anunsyo:

METRO MANILA

  • Adamson University – walang klase at trabaho sa opisina
  • Assumption College San Lorenzo (Makati) – suspendido ang klase at trabaho
  • Colegio de San Juan de Letran – walang klase sa lahat ng antas at operasyon ng opisina
  • College of Saint Benilde – suspendido ang klase at trabaho
  • De La Salle University – suspendido ang klase at trabaho sa lahat ng kampus
  • Far Eastern University (Manila at Makati) – walang klase
  • FEU Institute of Technology – walang klase; bukas ang mga opisina
  • Manila Tytana Colleges – suspendido ang klase at trabaho
  • Mapua University (Intramuros, Makati, at Ayala Malls campuses) – walang klase
  • Miriam College – school holiday o Day of Reflection
  • PNTC Colleges (Intramuros, Manila) – bukas ang opisina
  • San Beda University (Manila at Rizal) – suspendido ang klase at trabaho
  • Technological Institute of the Philippines (Manila at Quezon City) – walang klase at trabaho
  • University of the East (Manila at Caloocan) – walang klase at trabaho
  • University of Santo Tomas – suspendido ang klase at trabaho

CENTRAL LUZON

  • Baliuag University (Baliwag City, Bulacan) – walang klase; bukas ang opisina
  • Paniqui, Tarlac – suspendido ang klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado, pati trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan ayon sa anunsyo ng lokal na pamahalaan

CALABARZON

  • FEU Cavite – walang klase; bukas ang opisina para sa onsite transactions
  • Lyceum of the Philippines University – walang klase sa Batangas; asynchronous classes sa Cavite
  • Philippine Christian University (Dasmariñas, Cavite) – suspendido rin ang trabaho sa opisina
  • Biñan City, Laguna – walang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ayon sa lokal na pamahalaan
  • Mapua Malayan Colleges (Cabuyao, Laguna) – walang klase sa lahat ng antas
  • Taytay, Rizal – walang klase sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ayon sa lokal na pamahalaan

EASTERN VISAYAS

  • St. Scholastica’s College (Tacloban City, Leyte) – walang klase at transaksiyon sa opisina

NORTHERN MINDANAO

  • Mindanao State University–Iligan Institute of Technology (Iligan City, Lanao del Norte) – walang klase