-- Advertisements --

Nilinaw ni House Speaker Bojie Dy na hindi niya pangungunahan o pakikialaman ang magiging resulta ng deliberasyon.

Giit ng Speaker na Hahayaan niyang umusad ang proseso nang patas, ayon sa batas, at may transparency.

Iginiit ni Dy na gagampanan ng Kamara ang tungkulin nito nang may propesyonalismo at katapatan sa Saligang Batas.

Aniya,  ang impeachment ay isang prosesong konstitusyonal at hindi isang palabas na pulitikal o paglilitis sa pamamagitan ng publiko. 

Aniya, tungkulin ng Kamara na tukuyin kung sapat sa porma at substansiya ang mga reklamo. 

Binigyang-diin ni Dy na hindi ito usapin ng personalidad o pagpanig, kundi paggalang sa mga institusyon at sa Konstitusyon. 

Dagdag niya, may karapatan ang Bise Presidente sa patas na proseso at due process, habang ang mga naghain ng reklamo ay nararapat ding mapakinggan ayon sa batas.