-- Advertisements --

Tila inangat ni Davao City Mayor Baste Duterte ang kanyang sarili bilang alkalde sa pagdinig sa impeachment court nang sabihin niyang kung alam niyang may financial interest si Vice President Sara Duterte sa GenCorp, hindi niya ito papayagan.

Hindi naman masabi ng Palasyo kung pinagtatakpan ni Baste ang kanyang kapatid kaugnay ng isyu, ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro.

Ayon kay Castro, hindi dapat agad husgahan si Baste batay lamang sa kanyang mga pahayag. 

Sa pagdinig, sinabi ng alkalde na wala siyang alam at hindi niya inalam ang umano’y financial interest ng kanyang kapatid sa GenCorp.

Nang banggitin ni Senator Ping Lacson ang Arias v. Sandiganbayan, sinabi ni Castro na tila ipinagtanggol ni Baste ang kanyang sarili bilang alkalde, habang maaaring nadidiin naman ang kanyang kapatid sa naturang pahayag.