Makakasama pa rin si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Manuel Bonoan sa graft case ni Sen. Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan.
Ito ay matapos ibasura ng Sandiganbayan Second Division ang Motion for Reconsideration ng prosekusyon para alisin sa listahan ng mga akusado si former DPWH Sec. Manuel Bonoan.
Sina Bonoan at Estrada ay magkasama sa naturang graft case dahil sa isyu ng kickback sa ilang flood control project.
Una nang pinayagan ng graft court si Bonoan na makalabas ng kulungan matapos siyang gawing state witness ngunit nananatili si Jinggoy sa loob ng kulungan at ang dating kalihim na ang isa sa mga tetestigo laban sa kaniya sa hiwalay na kasong plunder.
Kasunod ng desisyon ng Sandiganbayan, ituturing pa rin ng prosekusyon bilang akusado si Bonoan habang naghihintay ng sunod na hakbang mula sa Office of the Ombudsman.
Buo naman ang desisyon ng prosecution na magpresenta ng ebidensiya at testigo na magdidiin kay Bonoan kaugnay ng alegasyong may sabwatan umano sa pagitan nina Estrada at Bonoan para mailabas ang P213-million kickback mula sa flood control projects sa Bulacan.
















