Inihayag ni dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio na dapat nakabatay sa mga senador na qualified at maaaring bumoto ang denominator sa pagtukoy ng voting threshold sa impeachment case.
Ayon kay Carpio, hindi makatuwirang manatili sa fixed number ang requirement para sa conviction kung may mga Senador na namatay, nagbitiw sa posisyon o Hindi na maaaring gumanap ng kanilang tungkulin. Aniya, maaaring maging walang saysay ang Constitutional provision on impeachment kung Hindi maa-adjust ang bilang batay sa mga aktuwal na maaaring bumoto.
Binigyang-diin din ni Carpio na hindi dapat isama sa denominator ang mga senador na awtomatikong suspendido dahil nahaharap sa mga kasong saklaw ng anti-graft at anti-plunder laws. Aniya, Hindi sila maaaring dumalo sa session o bumoto sa mga mosyon habang suspendido, kaya Hindi rin sila dapat magsilbing impeachment judges.
Dagdag ni Carpio, nakasaad sa Konstitusyon na ang senado ang ‘sole judge in all cases of impeachment’ at ang mga senador na uupo para sa layuning Ito ay dapat manumpa.
Dahil dito, sinabi niyang Hindi dapat bilangin ang isang senador na Hindi kwalipikadong umupo bilang impeachment judge, gaya ng isang senador na Hindi pa nakapanumpa sa kanyang tungkulin.
Para kay Carpio, kailangang bigyang-kahulugan ang konstitusyon sa paraang mapananagot pa rin ang matataas na opisyal ng pamahalaan sa ilalim ng impeachment process.
















