Hindi pinalagpas ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang umano’y kakulangan ng koordinasyon sa pagitan ng House of Representatives sa mga civil society organization (CSO) sa pagtalakay sa pambansang pondo para sa susunod na taon.
Kinuwestyon ng mambabatas ang umano’y mistulang pag U-turn ng mababang kapulungan mula sa nakalipas na taon.
Binalikan nito ang paglalaan ng guidelines nitong nakalipas na taon para mabantayan ng mga CSO ang deliberations noong nakalipas na taon, kasunod ng pagkakabunyag ng malawakang flood control scandal.
Ngunit ngayong taon aniya, mistulang nabalewala na ito, lalo at pakiramdam umano ng mga CSO ay na-seen zone lamang sila kahit na sila ay naimbitahan ngayong taon.
Dahil dito, kinuwestyon ni Rep. Cendaña kung wala bang mas magandang papel na ibibigay sa mga CSO, dahil buo ang loob nilang makibahagi sa budget deliberation.
Hindi aniya katanggap-tanggap na imbitahan lamang sila ngunit binabalewala naman ang kanilang tulong.
Ayon pa sa mambabatas, napakahalaga ng transparency sa budget process para maipanalo muli ng Kongreso ang ‘confidence’ ng mamamayang Pilipino.
















