Handang ibunyag ng mga miyembro ng national unity party o nup ang detalye ng kanilang district allocations, kabilang ang mga proyektong inirekomenda nilang isama sa panukalang 2027 national budget.
Ayon kay House deputy speaker at Antipolo city 1st district Representative Ronaldo “Ronnie” Puno, chairman ng 58-member NUP, bukas ang lahat ng miyembro ng partido na ibahagi ang naturang impormasyon sa publiko.
Inihayag nito ni puno matapos ang pakikipagpulong ng partido sa people’s budget coalition na nananawagan ng mas malaking transparency sa proseso ng pambansang budget.
Ibinahagi na rin umano niya sa grupo ang detalye ng mga proyektong nakalaan sa kaniyang distrito.
Dagdag ni puno, maaari ring hilingin ng NUP sa House committee on appropriations na ilabas ang pangalan ng mga mambabatas na nagpanukala o nagrekomenda ng mga proyekto.
Nasa Senado na ngayon ang panukalang P7.2-Trilyong 2027 National budget matapos itong aprubahan ng kamara sa ikatlo at huling pagbasa.













