Inihayag ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na higit 500-libong katao ang nakiisa sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa nasasakupan (As of 12 noon, ika-17 ng Pebrero 2026).
Ayon sa impormasyon, ganito anila ang ‘crowd estimate’ ng mga dumayo o nagtungo sa Binondo, Maynila kasabay ng pagdiriwang.
Ngayong araw kasi ay ginugunita ng mga Tsino mula sa iba’t ibang lugar ang Chinese New Year na siyang pati Pilipino ay nakikiisa rin.
Sa naganap namang pagsalubong, ang kasalukuyang alkalde ng Maynila nama’y nagbahagi ng kanyang mensahe para sa mga Tsinong nasa lungsod.
Binigyan pagkilala ni Mayor Isko Moreno Domagoso ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Chinese na kasalukuyang nasa bansa o partikular sa Maynila.
Panawagan niya sa publiko ang pagkakaisa, kapayapaan at maging pagrespeto sa kabila ng mga nakaraan di’ pag-kakaunawaan.
Pagtitiyak naman ng alkalde na mapa-lokal o dayuhan negosyante ay mananatiling bukas sa pagtanggap ang lungsod para sa kanila.
Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagkakaibigan ay makatutulong ito magkaroon ng mas maraming turista, trabaho at negosyo sa bansa.
















