-- Advertisements --

Nakahanda na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para magbigay ng seguridad sa publiko at maging maayos ang daloy ng trapiko sa darating na ikatlong Trillion Peso March sa Pebrero 25.

Nitong Biyernes ng magsagawa ang MMDA ng walk-through sa mga lugar kung saan gaganapin ang kilos protesta.

Ayon kay MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III na ang trabaho nila ay tiyakin na ang pangunahing kalsada ay madadaanan habang isinasagawa ang kilos protesta.

May ugnayan na sila sa Quezon City Government ganun din sa iba’t-ibang ahensiya para sa nasabing aktibidad.

Magpapakalat sila ng mga enforcers kung saan ipapatupad ang ilang re-routing para maging maganda ang daloy ng trapiko.

Maglalagay din sila ng mga ambulansya, tow trucks, dump trucks atmga portalets sa iba’t-ibang lugar.

Magugunitang inaasahan ang dami ng mga taong dadalo sa programa dahil sa kasabay din nito ang ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power.