-- Advertisements --
Nagtipon-tipon ang mga kaanak ng mga biktima ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte isang araw bago ang confirmation hearing sa International Criminal Court.
Nagsagawa ng misa sa Our Lady of Remedies Church sa Maynila bago ang pagsisindi ng kandila.
Bawat isa sy mayroong bitbit na karatula na nakasulat ang katagang “Duterte Panagutin”.
Layon nito ay para mapanagot ang dating pangulo at makamit ng tuluyan ang hustisya.
Isasagawa naman ngayong araw , Pebrero 23 ang confirmation of charges laban kay Duterte sa ICC.
















