-- Advertisements --

Naghain ng panukalang batas si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez upang bawasan ang bilang ng namamatay sa cancer sa bansa sa pamamagitan ng mga programa sa maagang deteksyon.

Sa ilalim ng House Bill No. 7942 o ang Cancer Risk Screening and Awareness Act, layon ni Romualdez at ni Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na gawing institusyonal ang libre ang screening sa mga barangay.

Unang tututukan ng programa ang breast, cervical, colorectal, at prostate cancer.

Binigyang-diin ni Romualdez, batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), na isa ang cancer sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas dahil sa huling pagsusuri o late diagnosis.

Ayon sa mambabatas, ang maagang pagtukoy sa sakit ay hindi lamang magliligtas ng buhay kundi magpapababa rin sa gastos sa pagpapagamot na madalas nagpapahirap sa mga pamilya.

Palalakasin din ng bill ang papel ng mga Barangay Health Workers (BHWs) sa pamamagitan ng pagsasanay sa cancer prevention at patient support.
Magtatatag din ng isang nationwide cancer risk profiling system ang Department of Health (DOH) katuwang ang mga lokal na pamahalaan upang masubaybayan ang mga kaso sa bansa.

“A major factor contributing to this alarming reality is the late diagnosis of cancer cases, which not only reduces survival rates but also imposes severe financial hardship on affected families. Studies reveal that treatment of late-stage cancer can consume more than 30 percent of a household’s income, often pushing families into financial catastrophe,” pahayag ni Romualdez .