-- Advertisements --

Arestado ng Philippine National Police (PNP) ang isang Chinese national na wanted sa South Korea dahil sa kasong fraud sa isinagawang operasyon sa Angeles City, Pampanga noong Nobyembre 13, 2026.

Naresto ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Angeles City Field Unit ang dayuhan sa Barangay Sto. Domingo sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Seoul Western District Court ng South Korea.

Napag-alaman din sa beripikasyon ng Bureau of Immigration na overstaying na ang suspek sa Pilipinas matapos mag-expire ang kanyang awtorisadong pananatili noong Disyembre 1, 2014.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit ang naarestong dayuhan.