-- Advertisements --

Hinihintay na sa ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang resulta ng formal scientific report hinggi sa umano’y paggamit ng cyanide sa Ayungin Shoal bilang paghahanda sa pagsasagawa ng mga karampatang diplomatic actions sa insidente.

Sa isang pahayag, sinabi ng departamento na ang magiging resulta ng mga nasabat na kemikal mula sa mga mangingisdang pawang mga Chinese nationals nitong Oktubre ng nakaraang taon ay ang kanilang magiging basehan para sa kanilang mga susunod na hakbangin.

Binigyang diin din ng DFA na angpaggamit ng cyanide na isang toxic substance bilang pamamaraan sa pangingisda ay delikado sa marine environment at tinawag ring iresponsable at hindi katanggap-tanggap ng tanggapan.

Ito aniya ay isang seryosong paglabag sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na siyang nakasaad sa obligations of the State Parties partikular na ang mandato na protekatahan, i-preserve at iwasan ang pagiging dahilan ng polusyon sa katubigan ng West Philippine Sea.

Samantala, kaugnay nito, mariing kinondena naman ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga pahayag ng China na nagsasabing ang mga ulat na ito ay “fabricated” at sinabing ang mga laboratory tests na isinagawa sa mga naturang kemikal ay walang kredebilidad.

Muli namang binigyang diin ng DFA na sa kabila nito ay magppatuloy ang Pilipinas sa kanilang monitoring at mandato na maprotektahan ang soberaniya at hurisdiksyon ng bansa sa maritime zones nito.