-- Advertisements --
Naghahanda na ang Philippine National Police ng seguridad, medical at custodial measures para sa posibleng hospital detention ni dating house speaker Martin Romualdez.
Ibinahagi ng pnp ang mga larawan ng kuwartong inihanda para kay Romualdez sakaling aprubahan ng korte ang kaniyang paglipat sa PNP General Hospital.
Kasalukuyang naka-confine si Romualdez sa isang pribadong ospital sa San Juan City matapos maaresto sa bisa ng warrant mula sa Sandiganbayan.
Ginagamot siya para sa ilang kondisyon, kabilang ang sakit sa puso at mga ugat, unstable angina, dating isinagawang heart procedure, stroke-related disease, diabetes, hypertension, mataas na cholesterol at underactive thyroid.
















